BY: CHESKA
Xander Ford explained on his Facebook page regarding with the recent post of the comedian-host Ogie Diaz about his attitude in which Ogie revealed the conversation he had with his singer-friend and called Xander ”mayabang”
Xander denied the accusation and asking Ogie not to judge him.
Xander wrote:
“Pabasa po muna bago nyo ako Husgahan Maraming salamat sa Inyo. Papost mga kaibigan kong Bloggers. Paumanhin po.
Pa Article po Pahayag ko sa mga Galit sa akin para po sa inyo ito at kay Tito Ogie Diaz. Gusto ko po malaman nyo na Hindi naman totoo yung. Ipapapakalat nyo about sa akin na masama daw ugali ko kesyo lumaki daw po ulo ko. Paano nyo po nalaman Buong buhay ko puro panglalait angnakukuha ko sa mga tao. Inilalabas nyo po na Hindi daw ako marunong
Makisama. Una po sa lahat nag papakahirap ako para ipakita na Ginawa ko ang Procedure na ito kahit ayaw ko Mag makaawa po ako hirap na hirap na po ako sa mga naririning ko. Nakakaiyak kasi kayo po yung matanda na dapat na nakaka unawa sa akin. Pero kayo pa po anf nag hihila sa akin pababa. Puro trabaho po ako wala po ako tinang gihan kahit sino po sa inyo. Wala ako tinatapakang tao. Sana ipa alam nyo po sa akin kung ano po yung sina sabi nyo sa akin nakikisama naman po ako. Nag mamakaawa ako sana TIti Agie Diaz kausapin nyo muna ako bago mo po ako husgahan kasi po narinig nyo lang naman po. Sinisiraan mo po ako tito Ogie Diaz wala po akong tinatapakan na tulad nyo nag Show po ako na minsan hindi ako nag pabayad. Kasi gusto ko makapag pasaya ng tao at hindi manakit tulad po ng ginagawa nyo sa akin ngayun. Sorry tito Ogie Diaz kung may nagawa po ako sayo. Pasensya na po kung nasasapawan ko kung ano man po ang meron sa inyo. Nang hihingi po ako ng pasensya. Pangit lang po ako at Retokado pero po hindi po ako masamang tao. Simpleng tao lang po ako at di kasing yaman at kasing sikat nyo.
Nag sosorry po ako sa lahat ng mga taong Galit sa akin pasensya na po, Godbless po sa inyo Si god na po na po bahala sa Ginagawa nyo po sa akin. At sa akin alam ko wala akong tinatapakang tao alam ni papa god yan. Laking Mahirap lang po ako na gustong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan.”
The comedian/host then reacted to Xander’s Facebook post and explained that he was not judging him but he was actually giving him an advice. Ogie wishes that Xandel will change for the better.
Ogie posted his message on his Facebook page, he wrote:
Dear Xander Ford,
Di ko alam kung saan mo napulot yung hinuhusgahan kita. Hindi kita hinuhusgahan. Pinapayuhan kita.
Kung huhusgahan kita eh di sana, inokray ko yung itsura mo ngayon. Ang sinasabi ko, anak, kung nabago ang itsura mo, sana pati pag uugali mo.
Kung sinasabi mong hindi totoo ang lahat ng akusasyon sa yo ng pagyayabang at pagmamaldita mo sa marshalls ng abs-cbn at pagtaklob ng hood sa mukha mo dahil ayaw mong pagkaguluhan ka ng mga fans, depende naman yan kung sino sa ating dalawa o sa mga nakasaksi ang paniniwalaan ng mga tao.
Kung hindi talaga totoo, eh di good. After all, mas kilala mo ang sarili mo kesa kilala ka namin.
Pero, Marlou, andami namang nagpapatotoo ng asta mo kung nababasa mo ang mga comments sa posts ko, di ba? Ano yon? Nag-imbento lang sila?
Wag kang mag-play api-apihan, anak. Walang umaapi sa yo. Wag kang umastang kawawa, kasi hindi ka kinakawawa.
Nangyayari lang ang panlalait sa yo ng ibang tao kasi ikaw ang gumagawa ng dahilan para laitin ka nila.
Gusto mo ba, i-screen grab ko ang mga nagpi-pm sa akin na nagpapatotoo na mas yumabang ka mula nang maging Xander ka?
Hindi mo magugustuhan, anak, kaya pinili kong wag na lang ilabas.
Pero nakita mo naman siguro yung sinabi ni Jeffrey Tam na may attitude problem ka kaya ka inalis noon sa Dolce Amore?
Yung staff ng GGV, na-shock din sa naging attitude mo sa marshalls na hindi ka magte-taping hangga't hindi pinapapasok ang mga kasama mo?Ano yon? Sinisiraan ka lang ba talaga nila?
Kesa mag-asta kang kinakawawa ng mga tao, bakit hindi mo i-assess ang sarili mo, anak? Baka nga naman di mo namamalayan eh mali na pala ang mga asta mo, wala lang nagpapaalala sa yo.
Hindi naman mahirap maging humble, Xander. Kaya mo namang ibaon sa lupa ang mga paa mo para lang matuwa sa yo ang mga tao sa larangang pinasok mo.
Yang pagta-transform mo from Marlou to Xander, okay yan. Alam kong mahirap ang maintenance nyan, pero mas ramdam kong masaya ka ngayon sa itsura mo.
Kesa magpaawa at iyakan ang panlalait sa yo ng ibang tao, eh ngitian mo na lang sila at pangarapin mong balang-araw, magugustuhan ka rin nila. At mangyayari lang yon kung tutulungan mo ring maretoke ang ilang ugaling ikinabuburat nila sa yo.
Wag kang mag-alala. Kahit nga ako, bina-bash ng ilang netizens, lalo na ng mga fans mo, pero iniintindi ko na lang din sila, dahil sanay na rin naman ako.
Kaya cheer up, Xander. Lagi mo na lang tatandaan na "everybody is entitled to his own opinion" and "you really cannot please everybody."
Pero if you always practice humility, mapapansin mo na lang din ang pagiging positive ng tingin sa yo ng mga tao.
At kung gusto mo pa ng payo para magtuloy-tuloy ang career mo, nandito lang ako, pwede mo akong tanungin.
Kasi kung ako ang magma-manage sa yo, gagawin talaga kitang mukhang artista.
Papa-body scrub kita twice a week hanggang sa pumuti ang tuhod mo at maging flawless ka at ang mga braso mo para kaya mo nang mag-sando o short sleeves.
Ipapa-workshop kita sa acting para prepared ka sa mabibigat na eksena.
Kahit voice lessons, ipapa-coach kita, dahil nakita ko yung post mo na habang tumatae ka eh kumakanta ka ng "Versace On The Floor" with matching pinapalo-palo mo pa ang pwet mo.
Saka itse-check ko din kung natutulog ka nang maaga, dahil kung patuloy kang magpupuyat eh hindi guarantee na porke gwapo ka na ngayon eh hindi na babalik ang nakaraan.
Hayaan mo, para patunayan ko sa yo na wala akong masamang tinapay sa mga pagsita ko sa yo, pag nagkita tayo, magpapa-picture ako sa yo. Kahit one by one, whole body.”
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY)
I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.
Source: PUSH
No comments:
Post a Comment